^

Metro

Pagpatay kay Tan,love triangle

-
Masusing sinisiyasat ngayon ng pulisya ang anggulong love triangle sa pagdukot at pagpatay sa Filipino-Chinese businessman na si Evan Tan matapos na mahuli ang apat na katao kamakalawa sa Valenzuela City.

Ayon kay Supt.Dionicio Borromeo, Station Investigation and Detective Management Bureau chief ng Caloocan City Police kailangan pa rin nilang malaman kung ano ang tunay na motibo ng pagdukot at pagpatay sa Tsinoy.

Sinabi ni Borromeo na kasosyo ni Tan sa negosyo si Mary Ann Medina at ang live-in partner nito na si Michael Uy na isa ring negosyante.

Ipinaliwanag ni Borromeo na hindi naman pupunta si Tan sa Padis Point nang imbitahan ito ni Medina kung walang namagitan sa kanila.

Matatandaan na noong Enero 10 natagpuan ang bangkay ni Tan sa Norzagaray, Bulacan na may tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa isinagawang operasyon ng pulisya, nadakip sina Noelito Papung, Rodolfo Norombaba, Ma. Lourdes Medina-Olayres at kapatid na si Mary Ann.

Iginigiit nina Papung at Norombaba na si Mary Ann ang siyang bumaril kay Tan matapos na bayaran sila nito ng P50,000. (Ulat ni Rose Tamayo)

BORROMEO

CALOOCAN CITY POLICE

DIONICIO BORROMEO

EVAN TAN

LOURDES MEDINA-OLAYRES

MARY ANN

MARY ANN MEDINA

MICHAEL UY

NOELITO PAPUNG

PADIS POINT

RODOLFO NOROMBABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with