^

Metro

Tsinoy trader nailigtas, 10 kidnaper tiklo

-
Nailigtas ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation at AFP- National Capital Region Command ang isang Tsinoy trader na nagresulta naman ng pagkakadakip ng 10 miyembro ng Waray-Waray kidnap for ransom gang sa isinagawang rescue operation sa Quezon City kahapon ng umaga.

Nakaposas pa ang mga kamay ng biktimang si Dominga Chu, 67, nang matagpuan at masagip ng mga tauhan ng AFP-NCRC at NBI sa Brgy. Maligaya, Novaliches, Quezon City dakong alas-6:30 ng umaga.

Kinilala ni AFP NCRC Chief Gen. Alberto Braganza ang mga nasakoteng suspect na sina Edwin at Arnel Delfin, Dilmar Cawaling, Joselito Tamayo, Edwin Lagramada, Alejandro Moral, Ricky Lagardo, Arnold Graganza, Danilo Bernal at Anaceto Lagramada. Pawang mga miyembro ng Waray-Waray-KFR Gang na nag-ooperate sa Kalakhang Maynila at iba pang karatig lugar.

Nabatid naman kay Army Lt. Col. Domingo Tutaan, Jr.Operation Chief ng AFP-NCRC na natukoy ang kinaroroonan ni Chu sa tulong na rin ng GMA 7 reporter na si Jiggy Manicad matapos na isang testigo ang lumapit sa tanggapan ng nasabing television station at nagbigay ng kaukulang impormasyon.

Dahil dito agad namang kinontak ni Manicad ang AFP-NCRC kasunod ng paggawa ng rescue operation na nagresulta sa pagkakaligtas sa biktima.

Matatandaang si Chu ay dinukot ng mga kidnapper na armado ng .45 at .38 caliber noong Enero 21 sa Buendia Ave. sa Pasay City dakong alas-8:20 ng umaga. Humingi ang mga kidnapper ng P10 milyon ransom sa pamilya ni Chu kapalit ng kalayaan nito.

Wala namang naganap na shootout nang salakayin ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ng mga suspect. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

ALBERTO BRAGANZA

ALEJANDRO MORAL

ANACETO LAGRAMADA

ARMY LT

ARNEL DELFIN

ARNOLD GRAGANZA

BUENDIA AVE

CHU

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with