^

Metro

No contest ang local poll scene sa Pasig

-
Hinoldap ng tatlo hanggang sampung katao ang teller ng Bank of the Philippine Islands (BPI) matapos itong kumuha ng koleksyon ng nasabing banko at ikinasugat naman ng isang bystander, kahapon ng tanghali sa SM Fairview sa Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Joseph Madrid ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), sinabayan ng mga suspect na sakay ng L-300 van ang armored van ng St. Thomas Security Agency na may plakang PCZ-748 dakong alas-12:20 at itinaon na papalabas ang teller na si Ernie Reyes ng BPI.

Ginagamot naman sa FEU Hospital ang biktima ng stray bullet na si Nestor Rolan.

Hindi na rin nagawang makalaban ng mga escort ni Reyes na sina Antonio Rocero at Eugenio Vargas ng St. Thomas dahil agad din silang pinadapa ng mga suspect na nakasuot ng armored vest at barong.

Ayon kay Reyes, mabilis na nagpaputok ang mga suspect at agad na kinuha ang dalawang duffle bag na kanyang dala at mabilis na sumakay ng kanilang get-away car na L-300 van na kulay maroon, may plakang PHM-158.

Hindi pa malaman kung magkano ang halagang nakuha.

Natagpuan naman ng mga pulis ang get-away car at isa pang kotse na Kia Pride, may plakang NDS-542 sa Joshua St., Jordan Plaines, QC.

Ayon naman sa pahayag ng ilang saksi, isa sa mga suspect ay madalas na umanong nahuhuli ng mga awtoridad at kasalukuyang nasa photo gallery ng CPD. (Ulat ni Doris M. Franche)

ANTONIO ROCERO

AYON

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS M

ERNIE REYES

EUGENIO VARGAS

JORDAN PLAINES

JOSEPH MADRID

JOSHUA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with