Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Efren Nuestro, director ng NMIC na ligtas kainin ang lahat ng produktong manok sa bansa, imported man o local dahil wala naman itong sakit na birdsflu.
Sinabi nito na hindi maaaring maipuslit sa bansa ang mga manok na may sakit dahil sa entry points pa lamang ng bansa ay may naka-istambay na ditong mga tauhan upang suriin ang mga produktong karne na kontaminado ng virus tulad ng nabanggit na sakit.
Bukod dito, hindi rin anya nag-aangkat ng manok ang Pilipinas mula sa mga bansang may sakit na birdsflu tulad ng Korea.
Binigyang diin pa nito na sa local chicken naman ay makakasiguro na makakarating ito sa pamilihan na ligtas kainin.
Tulad anya ng karneng baboy, ang mga manok ay makikitang sariwa kung hindi ito mabaho, mamula-mula ang karne at walang namumuong dugo sa laman. (Ulat ni Angie dela Cruz)