3 karnaper napatay sa shootout
January 21, 2004 | 12:00am
Patay ang tatlong hindi nakikilalang karnaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga kagawad ng Traffic Management Group (TMG) habang lulan ng ninakaw na sasakyan na pag-aari ng artistang si German Moreno, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Namatay noon din sa loob ng ninakaw na sasakyan ang mga suspect sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:10 ng umaga ng makita ng mga miyembro ng TMG na pinamumunuan ni Chief Inspector Ferdinand Villanueva sa kanto ng Chestnut at Flamingo Sts. sa Barangay San Roque sa lungsod ang nakaalarmang kinarnap na sasakyan ni Moreno na isang kulay berdeng L-300 van na may plakang PJD-695 sakay ang mga suspect.
Agad na pinara ng mga awtoridad ang nasabing sasakyan subalit imbes na huminto ang mga suspect ay agad na pinaputukan ang mga awtoridad.
Mabilis na gumanti ng putok ang mga pulis at sa loob na nga ng ninakaw na sasakyan namatay ang mga suspect.
Ayon pa sa ulat, nakarnap ang sasakyan ni Moreno sa harapan ng kanyang bahay sa #66 Valencia St. sa Quezon City.
Samantala, dinala naman ang bangkay ng mga suspect sa PNP Crime Laboratory para sa inisyal na awtopsiya.(Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest