^

Metro

PBA Commissioner absuwelto sa kasong adultery

-
Absuwelto sa kasong adultery si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Noli Eala, ito ay matapos na bawiin ng asawa ng umano’y kabit nito ang nasabing kaso.

Sa dalawang-pahinang resolution na ipinalabas ng DOJ na inaprubahan ni Justice Undersecretary Merceditas Gutierrez, inatasan nito ang Quezon City Regional Trial Court-Prosecutor’s Office na bawiin na ang impormasyong inihain laban kay Eala at sa umano’y kabit nitong si Irene Moje.

Ang pagbasura ng kasong adultery laban kay Eala at kay Moje ay alinsunod sa ‘motion to withdraw petition for review’ na isinumite ni Joselano Guevarra.

Batay sa resolution ibinasura ang nasabing kaso dahil na rin sa kawalan ng interes ni Guevarra na ipagpatuloy ang kaso laban sa dalawa.

Ipinaliwanag pa rin ng DOJ na lumampas na rin sa tama at legal na petsa ang pagsusumite ni Guevarra ng motion kung kaya’t isa rin ito sa naging dahilan kung bakit naibasura ang kaso kay Eala.

Una nang sinampahan ng kasong adultery sina Eala at Moje noong February 2002 sa QC-Prosecution office nang magkaanak ang dalawa noong 2001. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ABSUWELTO

COMMISSIONER NOLI EALA

EALA

GUEVARRA

IRENE MOJE

JOSELANO GUEVARRA

JUSTICE UNDERSECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ

MOJE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT-PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with