^

Metro

Court martial sa 'Magdalo Group' ipinagpaliban

-
Sa ikalawang pagkakataon muling ipinagpaliban kahapon ang pagbasa ng sakdal kaugnay ng pagsasailalim sa ‘court martial proceedings’ sa halos may 300 junior officers at enlisted personnel ng militar na sangkot sa Oakwood mutiny noong Hulyo 27 ng nakalipas na taon.

Ito’y matapos na muling kuwestiyunin ng mga abogado ng Magdalo Group sa pangunguna ni Atty. Roel Pulido at dating Sandiganbayan Justice Harriet Demetriou ang mga opisyal ng militar na bumubuo sa court martial proceedings.

Hindi pa man nag-init sa kanilang mga upuan ang mga bumubuo sa panel ay nawalan na kaagad ng quorum matapos tanggihan ng defense panel ang pag-upo ng ilang kasapi ng General Court Martial (GCM) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Ferdinand Bocobo.

Kabilang sa mga natanggal na kasapi ng GCM ay sina Col. Teddy Udal, Col. Henry Galarfe, Col. Hernando Siscar, Lt. Col. Ruby Bongabong at Lt. Col. Antonio Doronilla at ang sumunod naman ang mga kahalili ng mga itong military judges na sina Commodore Edgar Catimbang, Major Mariano Roxas, Capt. Moises Naive, Major Jose Libalon at Col. Thelma Borromeo.

Pawang nakasuot ng fatigue uniform nang dumalo sa GCM ang 267 opisyal at enlisted personnel ng Magdalo Group, gayundin ang 48 pang junior officers na bagaman wala sa Oakwood ay nakita ang mga pangalan sa masterlist ng mga sangkot sa bigong pagtatangka na pabagsakin ang administrasyon.

Sa loob halos ng dalawang oras na GCM ay nauwi lamang sa pagkuwestiyon ng defense panel sa hurisdiksyon ng mga opisyal ng militar para ipagpatuloy at magsagawa a ng paglilitis sa kaso ng mga mutineers.

Bunga nito, napagdesisyunan na muling ipagpatuloy ang ‘arraignment’ ng mga mutineers sa darating na Pebrero 16. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTONIO DORONILLA

COMMODORE EDGAR CATIMBANG

FERDINAND BOCOBO

GENERAL COURT MARTIAL

HENRY GALARFE

HERNANDO SISCAR

JOY CANTOS

MAGDALO GROUP

MAJOR JOSE LIBALON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with