^

Metro

Fil-Chinese sa Binondo umalma kay Jovit Moya

-
Umalma ang mga negosyanteng Fil-Chinese sa Binondo, Maynila patungkol sa ilegal at puwersahang pagbebenta umano ng libu-libong halaga ng tiket para sa isang shootfest competition sa nalalapit na anibersaryo ng WPD ng dating aktor at ngayo’y pulis na si Inspector Jovit Moya.

Habang isinusulat ang balitang ito, nagpaplano na ang ilang negosyante na humarap kina PNP chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. at NCRPO chief Director Ricardo de Leon upang ireklamo ang ginagawang pagbabagsak ng mga tiket ni Moya.

Ito’y kaugnay umano sa gaganaping 103rd WPD Anniversary Competition na tinawag nilang ‘Shoot for a cause’ sa Enero 30-31 sa WPD Firing Range sa Port Area, Maynila.

Magiging benepisyaryo umano ng naturang proyekto ang Smokey Mountain Medical Mission na pangungunahan ng WPD.

Matatandaan na mahigpit ang direktiba ni Ebdane na bawal sa lahat ng pulis na mag-solicit o magbenta ng anumang uri ng tiket dahil ugat lamang ito ng korapsyon.

Lumutang naman ang pangalan ni Inspector Jovit Moya dahil ito rin umano ang isinisigaw ng ilang police stations sa WPD. Bukod pa sa maugong na ang naturang ‘shootfest’ ay ‘personal’ na proyekto ng aktor para sa tanggapan ni WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong.

Nabatid na nagkakahalaga ng P500 ang bawat isang tiket na ibinebenta nito.

Sinabi pa ng mga negosyante na pahirap sa kanila ang pagbabagsak ng tiket dahil sa umaabot sa halagang P5,000 hanggang P10,000 ang mga tiket na itinotoka sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANNIVERSARY COMPETITION

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

DIRECTOR RICARDO

FIRING RANGE

INSPECTOR JOVIT MOYA

MAYNILA

PEDRO BULAONG

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with