^

Metro

Babae sa Betty Sy kidnap/slay sumuko

-
Isang babae na sangkot sa kontrobersyal na Betti Chua-Sy kidnap-slay ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI).

Iniharap kahapon ni NBI Director Reynaldo Wycoco sa mga mamamahayag ang suspect na si Ma. Edith Demol, 39, isang sales agent, at residente ng Block 114, Lot 18 Heritage Home Subdivision, GMA, Cavite.

Nabatid na si Edith ay kapatid ng unang sumuko na si Marolito Demol na driver ng sindikato.

Napag-alaman na nagpasya si Demol na sumuko dahil sa nangangamba ito sa kanyang buhay bunga ng masigasig na manhunt na isinasagawa ng NBI at National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF).

Sa kanyang salaysay sa NBI, ipinakilala umano siya ng isang kaibigan na nakilala sa pangalang Babes sa sindikato noong Setyembre 2003 sa Jaro, Leyte. Si Babes umano ay dating tauhan ni Betti Sy habang nakilala umano niya ang isang Junior Macanip na miyembro ng sindikato ng kidnap-for-ransom.

Bago umano maganap ang pagdukot, nagpulong pa ang mga miyembro ng sindikato sa isang bahay sa isang subdibisyon sa Leyte ngunit hindi siya pinapasok kasama ang kaibigang si Babes hanggang sa maisagawa ang krimen. Inamin din nito na kinuha pa niya ang ibang mga personal na gamit ni Sy matapos na mapaslang ito.

Ipinasa naman ng NBI ang kustodya kay Demol sa NAKTAF habang pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad na gawing state witness ito dahil sa mga testimonyang inihayag nito.(Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BETTI CHUA-SY

BETTI SY

DANILO GARCIA

DEMOL

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EDITH DEMOL

HERITAGE HOME SUBDIVISION

JUNIOR MACANIP

LEYTE

MAROLITO DEMOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with