3 tiklo sa pot session

Tatlo katao na kinabibilangan ng dalawang ginang ang naaresto ng operatiba makaraang maaktuhan ang mga ito na humihitit ng shabu sa isang pot session, kamakalawa ng hapon sa Taguig.

Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina Mercedita de Leon, 43; Gloria Regonam, 41; at Norberto Abarientos, 32, pawang mga residente ng #172 Purok 4, Brgy. Bagong Tanyag, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, naaresto ang mga suspect dakong alas-3 sa nabanggit na lugar sa aktong humihitit ang mga ito ng shabu.

Nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa umano’y isinasagawang pot session ng mga suspect at agad na isinagawa ng pagsalakay na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments