6 holdaper nalambat ng NAKTAF
January 18, 2004 | 12:00am
Anim na kabataang lalaki na umanoy miyembro ng hold-up gang ang naaresto ng mga kagawad ng National Anti-Kidnapping Task Froce (NAKTAF) sa isang checkpoint, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Ang mga suspect na nahulihan ng patalim ay kinilalang sina Zacarias Alboro, 21; Michael Castuera, 21; Joseph Domingo, 18; Ronald Baligbig, 17; Michael Romano, 17 at Jun-jun Castueras, 21 na pawang mga residente ng San Bueno Compound, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:40 nang masakote ang mga suspect sa inilatag na checkpoint ng NAKTAF sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Santolan, ng nasabing lungsod.
Nabatid na tinangka pa umanong tumakas ng mga suspect na noon ay sakay ng isang pampasaherong jeep subalit agad na naagapan ito ng mga miyembro ng NAKTAF. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended