Trak tumaob, 1 todas,2 pa malubha
January 18, 2004 | 12:00am
Agad na nasawi ang isang tsuper, habang malubha namang nasugatan ang dalawa nitong pahinante nang tumaob ang kanilang sinasakyang trak makaraang sumalpok ito sa paanan ng fly-over, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ang nasawi na si Gilbert Tongol, 36-anyos, ng Daisy St., Camarin 11, Novaliches, makaraang maipit ito sa tumaob na trak, habang patuloy namang ginagamot sa isang pagamutan ang dalawa nitong pahinante na hindi pa mabatid ang mga pangalan.
Batay sa ulat ng pulisya, alas-3:40 nang maganap ang insidente sa tapat ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa EDSA Ortigas.
Nabatid na kasalukuyang binabaybay ng nasabing trak na Isuzu at may plakang NWN-783 ang kahabaan ng EDSA nang bigla na lamang umanong may nag-overtake na kotse subalit sa ginawang pag-iwas umano nila ay sumalpok ang kanilang trak sa paanan ng fly-over sanhi upang tumaob ito na ikinamatay ng tsuper at malubhang ikinasugat ng dalawa nitong pahinante. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended