Ex-adviser ni GMA nanapak ng driver
January 18, 2004 | 12:00am
Isang dating cabinet secretary ang inireklamo kahapon sa pulisya matapos umano nitong suntukin sa mukha ang kanyang driver, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Inireklamo ng physical injury sa Makati City Police si Gloria Climaco, dating Presidential Adviser on Strategic Project ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sa ngayoy consultant ng Malacañang at residente ng #10 Planet St., Brgy. Bel-Air, ng nabanggit na lungsod.
Base sa inihaing reklamo ni Jessie Gonda, ng Block 49, Lot 13, Phase A-2, Alupihan St., Malabon City, naganap ang insidente dakong alas-7:30 sa bahay ni Climaco.
Nabatid na sinuntok umano ni Climaco sa mukha ang biktima nang magalit umano ito sa huli dahil sa hindi kaagad nito pagsunod sa kanyang iniutos na paglakad sa mga papeles.
Matapos ang pananapak ni Climaco ay agad na nagtungo ang biktima sa pulisya at naghain ng reklamo.
Matatandaan na naging kontrobersyal si Climaco matapos na masangkot ang pangalan nito sa kwestiyonableng proyekto ng Philippine International Air Terminal Corporation (PIATCO) deal. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest