Dalagita hiniya ng nanay, nagpakamatay

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 16-anyos na dalagita makaraang damdamin umano nito ang ginawang panghihiya ng kanyang ina sa harapan ng kanyang mga kaibigan, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Patay na nang makita ang biktimang si Czarina Tubil, estudyante at residente ng #3493 Sawata, Block 2, Maypajo, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5 nang matagpuan ng nakababatang kapatid ng biktima ang bangkay nito sa loob ng kanyang kwarto na nakabitin sa kisame gamit ang isang kumot na nakapalupot sa kanyang leeg.

Napag-alaman na bago umano naganap ang insidente ay pinagalitan ng kanyang ina sa harapan ng kanyang mga kaibigan ang biktima dahil sa umano’y madalas na pagpupuyat at pag-uwi nito ng madaling-araw na lubusan umanong ikinahiya at dinamdam ng huli. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments