Dalagita hiniya ng nanay, nagpakamatay
January 17, 2004 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 16-anyos na dalagita makaraang damdamin umano nito ang ginawang panghihiya ng kanyang ina sa harapan ng kanyang mga kaibigan, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Patay na nang makita ang biktimang si Czarina Tubil, estudyante at residente ng #3493 Sawata, Block 2, Maypajo, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.
Sa ulat, dakong alas-5 nang matagpuan ng nakababatang kapatid ng biktima ang bangkay nito sa loob ng kanyang kwarto na nakabitin sa kisame gamit ang isang kumot na nakapalupot sa kanyang leeg.
Napag-alaman na bago umano naganap ang insidente ay pinagalitan ng kanyang ina sa harapan ng kanyang mga kaibigan ang biktima dahil sa umanoy madalas na pagpupuyat at pag-uwi nito ng madaling-araw na lubusan umanong ikinahiya at dinamdam ng huli. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended