Kusinero inatado ng kapwa kusinero
January 16, 2004 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang kusinero ng kanyang kabaro matapos na magkapikunan ang mga ito sa loob ng pinaglilingkurang beerhouse, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Antonio Renta Jr., 33, may asawa at native ng Minalabac, Camarines Sur, habang nakadetine ang suspect na si Romeo Moratalia, 33, may asawa, ng #28 Azucena St., Payatas, QC.
Napag-alaman na naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa Ihaw-Ihaw Beerhouse, kanto ng Quezon Avenue at E. Rodriguez Sr., Quezon City.
Napag-alaman na papatapos na umano ang kanilang trabaho kayat naghahanda na sa pag-uwi.
Sa di-malamang dahilan ay biglang nagkasagutan ang dalawa na agad ikinainit ng ulo ni Moratalia kayat agad na inundayan ng patalim ang biktima.
Kasong homicide ang takdang isampa sa QC Prosecutors Office. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am