Parak itinumba sa harap ng bahay
January 16, 2004 | 12:00am
Itinumba ng hinihinalang bayarang hitman ang isang pulis Maynila sa harap mismo ng kanyang bahay kahapon sa Pandacan, Maynila.
Patay na nang idating sa De Ocampo Memorial Medical Center ang biktimang nakilalang si PO3 Edwin Cayabyab, nakatalaga sa Zamora Police Community Precint sa Pandacan.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng hapon sa tapat ng bahay ng biktima sa may Dela Paz St., Beata, Pandacan.
Napag-alaman na kalalabas pa lamang ng bahay ng biktima nang lapitan ito ng isang lalaki na nakasuot ng itim na bonnet, short pants at asul na t-shirt.
Walang sabi-sabi, pinaulanan ng suspect ng sunud-sunod na putok ng baril ang biktima at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.
Malaki ang paniwala ng pulisya na may kasamang iba ang hitman na siyang may dala ng ginamit na get-away car kung kaya mabilis itong nakaalis sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pamamaslang sa naturang pulis. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest