P20-M libel suit iniharap ni Aiai vs Mystica
January 15, 2004 | 12:00am
Nagsampa kahapon ng P20 milyong libel suit sa Quezon City Prosecutors Office ang komedyanteng aktres na si Aiai delas Alas at anak nitong si Sancho Vito laban sa singer na si Mystica o Ruby Cassidy sa tunay na buhay at sa anak naman nitong si Stanley Villanueva.
Bukod sa libel, mga kasong incriminatory machination, serious oral defamation at perjury ang idinagdag pang kaso ni Aiai laban kay Mystica at sa anak nito. Ito ay dahil sa ginawang paninirang puri umano ng mag-ina sa kanila noong nakalipas na Enero 7 ng taong kasalukuyan.
Dahil umano sa inasal ni Mystica at Stanley ay naapektuhan ang matahimik nilang pamumuhay, ang kanilang pagkatao at maging sa kanilang kalusugan.
Magugunitang unang nagharap ng kasong attempted murder ang mag-inang Mystica laban sa anak ni Aiai na si Sancho.
Sinabi ni Aiai na binaligtad ng mag-inang Mystica ang pangyayari, gayung ang anak nitong si Stanley ang nagtangka sa buhay ng kanyang anak na si Sancho.
Binanggit pa ni Aiai na kalilimutan na sana niya ang pangyayari subalit naisip din niya na dapat nang mabigyan ng leksyon ang mag-ina at baka lalo pang lumala at pamarisan pa ng iba.
Si Aiai at Mystica ay magkapitbahay sa Old Balara sa Quezon City.
Unang nagkaroon ng hidwaan ang kanilang mga anak. Si Stanley na anak ni Mystica na 18-anyos at ang anak ni Aiai na si Sancho na 12-anyos lamang. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest