2 empleyado ng Ombudsman nanggulo,nambugbog tiklo
January 14, 2004 | 12:00am
Inaresto ng pulisya ang umanoy dalawang empleyado sa tanggapan ng Ombudsman makaraang ireklamo ito ng panggugulo sa isang birthday party at panununtok pa sa tatlong bisita dito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina Leonardo Flores, 34 at Rolando Torres, 21.
Si Flores ay sinasabing driver umano ni Ombudsman Simeon Marcelo habang si Torres ay sinasabing janitor sa naturang ahensiya.
Ang dalawang suspect ay inireklamo ng complainant na si Lorna Concepcion, 40, community health worker at residente ng Agham Road, San Roque ll, Barangay Pag-asa.
Nabatid sa ulat ng CPD Station 2 na naganap ang insidente dakong alas-9:20 ng gabi sa bahay mismo ng complainant sa nasabing lugar.
Napag-alaman na kasalukuyan umanong nagdiriwang ng kanyang kaarawan si Concepcion nang dumating ang dalawang lasing na suspect. Dumating din sa party si Councilor Bernadeth Herrera na binastos ng dalawang suspect.
Dahil dito nagalit ang may kaarawan at kinompronta ang dalawa, imbes na huminahon ay pinagsusuntok pa ng mga ito ang tatlo pang bisita ni Concepcion.
Dahil sa matinding kalasingan at pagwawala ay agad na humingi ng tulong sa pulisya ang celebrant hanggang sa madakip ang dalawa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am