^

Metro

Bibitayin ipinalabas sa TV: BuCor minemohan ng Malacañang

-
Pinagpapaliwanag ng Malacañang ang pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) partikular na si Bureau of Corrections Director Dionisio Santiago kaugnay sa pagpapalabas sa telebisyon kay death row convict Roberto Lara, gayung mahigpit itong ipinagbabawal na makunan ng camera lalo’t nalalapit na ang takdang araw ng pagbitay dito.

Napag-alaman na hinihingan nga ng paliwanag si Santiago, makaraang mapanood sa telebisyon si Lara nang dalawin ito ng kanyang ina at dalawang anak sa loob ng kulungan.

Napag-alaman na ito umano ay ipinagbabawal ng Department of Justice (DOJ).

Nagyakap at nag-iiyak ang ina ni Lara ng muling makita ang bibitaying anak matapos ang mahabang panahon kasabay ng panawagan nito kay Pangulong Arroyo na huwag ng ituloy ang bitay.

Kaugnay pa rin nito, isinagawa na kahapon ang ‘dry run’ sa lethal injection chamber bilang bahagi ng preparasyon sa nakatakdang pagbitay sa dalawang convict sa darating na Enero 30.

Bukod sa mga gagamitin at isasagawa sa chamber, pinaghahandaan na rin ang seguridad sa paligid ng piitan dahil sa inaasahang mga pagrarali ng mga sektor na tutol sa bitay.

Bukod kay Lara isasalang din sa chamber si Roderick Licayan.

Wala pa naman umanong mga huling kahilingan ang dalawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUKOD

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR DIONISIO SANTIAGO

DEPARTMENT OF JUSTICE

LARA

LORDETH BONILLA

NAPAG

NEW BILIBID PRISON

PANGULONG ARROYO

ROBERTO LARA

RODERICK LICAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with