^

Metro

Dentista iniwan ng asawa,nagbigti

-
Tuluyan nang winakasan ng isang 40-anyos na dentista ang kanyang buhay dahil sa labis na depresyon matapos hiwalayan ng kanyang misis nang magbigti ito, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Nakilala ng pulisya ang nasawi na si Dr. Renato Valenzuela, ng 1333 Masinop St., Tondo, Manila.

Sa ulat ng WPD-Homicide Division, nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-7:15 ng umaga sa loob ng kanyang silid.

Nabatid na kinatok ng kanyang pamangkin na si Emil ang pinto ng kuwarto at ginigising na ito, subalit walang sumagot sa kanyang tawag. Dahil dito, napilitan ang kapatid ng nasawi na si Ramil na puwersahang buksan ang kuwarto at bumulaga nga sa kanila ang nakabiting dentista.

Sa imbestigasyon ng pulisya, labis na depresyon umano ang sanhi ng pagpapatiwakal nito nang makipaghiwalay dito ang kanyang misis at isama pa ang kanilang apat na anak. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DAHIL

DANILO GARCIA

DR. RENATO VALENZUELA

EMIL

HOMICIDE DIVISION

KANYANG

MASINOP ST.

MAYNILA

NABATID

NAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with