^

Metro

Taas pasahe sa mga bus inihain

-
Nagsampa kahapon ng petisyon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng dagdag pasahe ang mga bus operators na nag-ooperate sa Metro Manila at mga lalawigan sa bansa.

Sa kanilang petisyon, P2.00 dagdag sa minimum na pasahe ang hinihingi ng Integrated Metro Manila Bus Association (IMMBOA) at .37 centavos sa succeeding kilometer, P1.50 fare increase naman ang hinihiling ng Intercity Manila Bus Association at .90 centavos para sa succeeding kilometer.

Samantala, P2.00 din ang giit ng Luzon, Visayas at Mindanao bus operators mula sa Phil. Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) at P1.00 para sa succeeding kilometer.

Habang P1.50 rin ang isinampang petisyon sa taas pasahe sa bus operators mula sa Bulacan Association Transport Organization at P1.00 para sa succeeding kilometer.

Sa kanilang petisyon dinahilan ng transport group ang pagtaas presyo ng krudo; pagbagsak ng piso kontra dolyar; pagtaas ng presyo ng mga spare parts at maintenance fee.

Una rito, binuhay ng PISTON at ACTO ang P1.00 dagdag sa pasahe naman sa jeep dahil na rin sa mga nabanggit ding problema. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BULACAN ASSOCIATION TRANSPORT ORGANIZATION

BUS

BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CRUZ

HABANG

INTEGRATED METRO MANILA BUS ASSOCIATION

INTERCITY MANILA BUS ASSOCIATION

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with