^

Metro

Chinese trader tinangkang dukutin ng ex-security escort

-
Bagsak kalaboso ang isang dating security escort ng isang mayamang Chinese trader sa bigong pagtatangkang dukutin ang kanyang amo na hinihingan nito ng P5 milyon sa isinagawang entrapment operations sa Robinson’s Galleria, Pasig City.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo, iprinisinta ni National Anti- Kidnapping Task Force (NAKTAF) Chief Ret. Gen. Angelo Reyes ang nahuling suspect na si Jose Mari Guidan, alyas Jojo, residente ng Sitio Rizal, Alabang, Muntinlupa City.

Ayon kay Reyes, si Guidan ay nasakote dakong alas-4 ng hapon matapos itong makipagkita sa kanyang dating amo na si Mr. Hanzel Zee Pua na hinihingan nito ng P5-M upang hindi na ituloy ang pagkidnap dito.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nauna dito’y nakatanggap ng pananakot sa pamamagitan ng text message ang biktima buhat sa cellphone na may numerong 0926-3435-589 na nagbabantang dudukutin ito kung mabibigong magbayad ng limang milyong piso.

Matapos ang serye ng negosasyon ay nakipagkasundo si Pua na makipagkita sa texter sa isang food chain sa Robinson’s Galleria upang ibigay ang nasabing halaga.

Tiwala ang suspect na hindi magsusumbong sa pulisya ang kanyang dating amo at nakuha niya ito sa pananakot. Pero lingid sa kanyang kaalaman ay naglakas-loob si Pua na ipagharap ito ng sumbong kung kaya bumagsak ang suspect sa inihandang patibong.

Nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang nadakip na suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELO REYES

CAMP AGUINALDO

CHIEF RET

JOSE MARI GUIDAN

JOY CANTOS

KIDNAPPING TASK FORCE

MR. HANZEL ZEE PUA

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL ANTI

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with