^

Metro

Mayor Malonzo nagwala sa lamayan

-
Kinondena ng ilang mga residente sa Caloocan City ang umano’y ginawang pagwawala ng kanilang alkalde na si Mayor Rey Malonzo sa isang lamay ng patay, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pamilya Balagtas, dakong alas-10:30 nang bulabugin umano ni Mayor Malonzo ang lamay para sa kanilang kamag-anak sa loob ng Sto. Niño Chapel sa Tabing Riles, 4th Avenue ng nabanggit na lungsod.

Ayon pa sa mga testigo, nang makita umano ni Malonzo ang tent na ginagamit sa paglalamay na may pangalan ni Egay Erice, dating congressman at ngayo’y tumatakbo ng pagka-mayor sa Caloocan na kalaban ng asawa ng aktor ay bigla itong nag-usok sa galit at agad na sinira at itinumba ang nasabing tent.

Dahil dito, natakot ang mga tao sa lamay at nagkanya-kanyang pulasan.

Hindi umano sila makapaniwala sa naging reaksyon ni Malonzo at sa pambubugbog nito sa lamayan dahil sa mismong ang mag-asawang nakaburol ay pawang supporters ng mayor.

Sa panayam naman kay Malonzo, sinabi nito na sinira lamang umano niya ang saklaan na iniharang pa sa daan. Anya, walang kinalaman ang pulitika sa kanyang naging reaksyon dahil ginawa lamang umano niya ang nararapat para sa pagsupil sa ilegal at talamak na sugal tulad ng sakla.

Binanggit pa nito na malimit gawing sangkalan ng mga residente ang lamay sa patay para lamang makapagtayo ng saklaan.

Nabatid na isa katao na nagsilbing bangkero sa nasabing saklaan ang naaresto.(Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANYA

AYON

BALAGTAS

CALOOCAN CITY

EGAY ERICE

MALONZO

MAYOR MALONZO

MAYOR REY MALONZO

ROSE TAMAYO

TABING RILES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with