Pamangkin ni FG Arroyo, 3 pa patay sa road accidents
January 8, 2004 | 12:00am
Apat katao kabilang ang pamangkin ni First Gentleman Mike Arroyo ang nasawi at 16 pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa Makati City at Taguig, kahapon ng madaling- araw.
Nasawi noon din sa lugar na pinangyarihan ng aksidente si Christopher James Tuazon, 29, ng Valle Verde, Pasig City matapos na bumangga at tumusok sa harang na bakal ang minamaneho nitong Ford Lynx Sedan na may plakang XBB-699 kung saan pati ang mukha nito ay tinamaan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling- araw sa South Bound ng EDSA sa ilalim ng Magallanes MRT Station sa Makati City.
Pinaniniwalaang hindi nakontrol ni Tuazon ang preno ng kanyang sasakyan na naging dahilan upang bamangga at tumusok sa sasakyan nito sa nakaharang na bakal.
Samantala, sa isa pang naganap na road accident tatlong babae ang iniulat na nasawi nang sumalpok ang sinasakyan ng mga itong L-300 van sa isang truck sa kahabaan ng North Bound ng South Luzon Expressway.
Hindi pa mabatid ang pangalan ng tatlong nasawi, habang aabot pa sa 16 ang nasugatan.
Kapwa tumakas ang driver ng van at ng nakabangga nitong truck. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am