3 beses hinuli-laya: Drug lord ginawang palabigasan
January 8, 2004 | 12:00am
Kumanta na ang tinaguriang number one drug lord na nasakote ng Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force at sinabing tatlong beses na siyang nahuli subalit pinakawalan ng mga pulis na kanyang binigyan ng milyong pisong lagay.
Sa tactical interrogation ay sinabi na rin ni William Gan ang lawak ng operasyon ng kanilang grupo kabilang na rito ang ni-raid na drug laboratory ng Mapulang Lupa, Valenzuela at Brgy. Santolan sa Pasig kung saan nakuha ang P2.3 bilyong halaga ng gamit at kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.
Si Gan, gumagamit ng mga alyas na Willy Gan at James Go Ong ay nauna na umanong naaresto noong Marso ng nakaraang taon. Siya ay inareesto ng anti-drug enforcement unit ng Manila Police.
Ayon sa isang source, isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nagbigay ng impormasyon kung saan maaaring mahuli si Gan at nakihati umano sa P3 milyong bribe money na ibinigay nito.
Sinabi ni PNP Deputy Director Edgardo Aglipay na kanila nang tinatrabaho ang pagdakip sa naturang opisyal at dalawang iba pa na kasabwat nito. Inamin ni Aglipay na hindi ito ang unang pagkakataon na nasabit sa droga ang naturang opisyal subalit tumanggi muna siyang pangalanan ito.
Inaresto ng AID-SOTF si Gan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Bureau of Immigration dahil walang kaukulang dokumento ang pananatili nito sa bansa.
Si Gan ay inaresto kasama ang kanyang live-in partner na si Jia Shuxin sa harap ng San Lorenzo Ruiz Church sa Binondo, Manila noong Dec. 26 ng madaling-araw. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest