^

Metro

9 miyembro ng 'Kawasaki Gang' arestado

-
Siyam na karnaper na miyembro ng grupong ‘Kawasaki Gang’ na sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa maraming lugar sa Metro Manila ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Taguig.

Nakilala ang mga nadakip na suspects na sina Mike Tumao, 25; Lucrecio Dumatag, 23; Bartolo Guiman, 28; Benjie Manuel, 26; Mohamiden Lagyal, 20; Baldo Inggo; Sonny Boy Anong, 22; Mohammad Lagyal at Badrodin Abdul, 22, pawang naninirahan sa Barangay Western Bicutan at sa Maharlika Village sa bayan ng Taguig.

Ayon sa ulat, dakong ala- 1:30 ng hapon nang isagawa ng pulisya ang pagsalakay sa Maharlika Village na pinagkukutaan ng mga suspect at doon natimbog ang mga ito.

Napag-alaman na ang naturang grupo ang sangkot sa pangangarnap ng mga motorsiklo sa mga lugar sa Metro Manila.

Isang asset ng pulisya ang nagtimbre tungkol sa operasyon ng grupo. Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspects. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BADRODIN ABDUL

BALDO INGGO

BARANGAY WESTERN BICUTAN

BARTOLO GUIMAN

BENJIE MANUEL

KAWASAKI GANG

LORDETH BONILLA

LUCRECIO DUMATAG

MAHARLIKA VILLAGE

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with