^

Metro

Lolo napagkamalang magnanakaw binoga ng sekyu,patay

-
Isang 62-anyos na lolo ang nasawi makaraang pagbabarilin ito ng isang security guard matapos na mapagkamalang magnanakaw habang nangingisda sa ilog ang una, kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot pang buhay sa Tondo Medical Center bunga ng tinamong tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan ay nakilalang si Panchito Bondoc, ng 102 A. Cruz St., Tangos ng nabanggit na lungsod.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng Navotas Police laban sa suspect na nakilalang si Danilo Nasis, company guard ng Coastal Marine and Shipyard Corporation na matatagpuan sa Buenaventura St., Tangos, Navotas.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-2 ng madaling-araw di kalayuan sa binabantayang kompanya ng suspect.

Ayon sa saksing si Danny Villanueva, 22, residente ng nabanggit na lugar na bago naganap ang insidente ay may napansin umano ang suspect na grupo ng kalalakihan na umaahon mula sa ilog na pinaghinalaan nitong mga magnanakaw.

Agad umanong nagpaulan ng bala ang suspect na nagresulta sa pagkakatama sa kaliwang bahagi ng katawan ng biktimang noon ay nakasakay sa kanyang bangka at nangingisda.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect dala ang baril na ginamit habang isinugod naman ang matanda sa pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BUENAVENTURA ST.

COASTAL MARINE AND SHIPYARD CORPORATION

CRUZ ST.

DANILO NASIS

DANNY VILLANUEVA

ISANG

NAVOTAS CITY

NAVOTAS POLICE

PANCHITO BONDOC

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with