2 ama nagbigti dahil sa naghihirap na pamilya
January 6, 2004 | 12:00am
Dalawang ama ng tahanan ang tinakasan ang responsibilidad sa kanilang pamilyang naghihirap matapos na kapwa magpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang mga nagpakamatay na sina Juanito Banaga, 49, ng Tinshell House, Phase 3 Dagat-Dagatan, Caloocan City at Marlon Bautista, 28, ng Lorenzo St., Pandacan.
Sa ulat ng pulisya, unang nadiskubre ang pagpapatiwakal ni Bautista ng kanyang asawa na si Concepcion dakong alas-11 kamakalawa ng gabi sa loob ng kanyang silid.
Sinabi ng kapatid nitong si Robert na nakipag-inuman pa umano sa kanila ang biktima at natapos dakong alas-10 ng gabi. Naibulalas nito ang problema sa hirap ng kanilang pamilya dahil sa kakarampot niyang suweldo at madalas na pag-aaway nilang mag-asawa.
Sa suicide note, humingi ito ng tawad sa kanyang pamilya at hiniling na huwag iburol ang kanyang labi sa loob ng kanilang bahay upang hindi pagtampulan ng tsismis ng kanilang mga kapitbahay.
Sinabi rin nito na gamitin ang makukuha niya sa SSS para sa kanyang libing.
Dakong alas- 2:30 naman ng madaling-araw nang madiskubre ang pagbibigti ni Banaga sa itaas ng isang puno ng Indian mangoe sa loob ng Intramuros Golf Course sa Maynila.
Nakuha sa bulsa nito ang suicide note na doon nakasaad ang paghingi niya ng tawad sa kanyang pamilya.
Sinisi nito ang sarili sa kabiguan ng kanyang pamilya.
Naniniwala ang pulisya na pumuslit sa bakal na bakod ng golf course ang nasawi at saka doon humanap ng kanyang puwesto para sa kanyang pagpapakamatay. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest