^

Metro

Kinainggitang guwapo at maskulado grabe sa saksak

-
Minsan ay mahirap din ang maging gwapo at maskulado, ito ay makaraang isang 39-anyos na gwaping ang binurdahan ng saksak ng dalawa nitong kapitbahay na matagal na umanong naiinggit sa kanyang kagwapuhan, kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Inoobserbahan sa Muntinlupa Medical Center (MMC) ang biktimang si Julian Cuartero ng Block 12 Lot 30 Villa Olympia, Phase 4, San Pedro Laguna dahil sa tinamo nitong ilang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspect na sina Edward Manalo at Edward Abarca, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit ring lugar.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa terminal ng traysikel sa Lake View, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nabatid na kinursunada at walang sabi-sabing pinagsasaksak ng mga suspect ang biktima dahil sa umano’y matagal ng galit at pagkainggit ng mga ito sa porma at kagwapuhan ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY PUTATAN

EDWARD ABARCA

EDWARD MANALO

JULIAN CUARTERO

LAKE VIEW

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA MEDICAL CENTER

SAN PEDRO LAGUNA

VILLA OLYMPIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with