^

Metro

Paalam Miko

-
Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang young actor na si Miko Sotto kung saan libong katao sa pangunguna ng kanyang pamilya, mga kasamahan sa industriya ng showbiz at mga fans ang dumalo sa libing nito sa Parañaque City kahapon.

Si Miko, Marcelino Sotto sa tunay na buhay, 22, ay namatay matapos itong mahulog noong Disyembre 29 bandang alas-4 ng madaling-araw mula sa ika-siyam na palapag ng tinitirahan nitong condominium sa Mandaluyong City.

Ipinatupad naman ng pamunuan ng Parañaque City Police ang mahigpit na seguridad sa bisinidad ng Loyola Memorial Park na matatagpuan sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue, Sucat, ng lungsod kung saan inilibing ang aktor.

Dakong alas-12:10 ng tanghali nang dumating ang funeral car na naghatid sa labi ng aktor sa nasabing himlayan.

Naging madrama ang tagpong ito matapos na himatayin ang ama ng aktor na si Maru Sotto habang ang ina naman nitong si Ali ay halos hindi makapagsalita dahil masakit pa rin sa mga ito ang sinapit ni Miko.

Samantala, halos wala ring patid ang luha sa matinding pighati ng kasintahan ng aktor na si Angel Locsin.

Ang libing ng aktor ay dinumog din ng mga tagahanga nito, malalapit na kaibigan, mga kasamahang artista na nakidalamhati sa luksang Bagong Taon ng kanyang pamilya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BAGONG TAON

CITY POLICE

DR. A

LORDETH BONILLA

LOYOLA MEMORIAL PARK

MANDALUYONG CITY

MARCELINO SOTTO

MARU SOTTO

MIKO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with