^

Metro

3 paslit isinilid sa sako, ibinitin ng magulang na adik

-
Magkasama ngayong humihimas ng rehas na bakal ang isang mag-live-in-partner na kapwa hinihinalang bangag sa illegal na droga matapos na ireklamo ng kanilang tatlong anak ng sobrang pang-aabuso kung saan isinilid sila sa sako saka ibinitin sa lungsod ng Maynila.

Nakadetine ngayon sa Manila Integrated Jail ang mga suspect na kinilalang sina Rafael at Leonora Oreiz, kapwa residente ng Block 17, Lot 8, Brgy. 649, District 5, Port Area, Manila.

Sa ulat ng Western Police District-Women’s and Children’s Desk, naaresto ang dalawa ng mga opisyal ng barangay matapos na isang kapitbahay ng mga ito ang makatuklas sa panggugulpi sa mga bata na nagkakaedad 7, 6 at 4-taong gulang.

Nang magresponde ang mga kagawad ng barangay ay natiyempuhan ng mga ito ang dalawa na sumisinghot ng rugby.

Sa salaysay ng mga biktima, kabilang sa pang-aabusong ginagawa sa kanila ay ang panunutok ng patalim, pagsilid sa sako at pagbibitin sa kisame sa tuwing nakakasinghot ng rugby ang dalawa.

Nahaharap ngayon sa kasong multiple child abuse at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Anti-Illegal Drugs Act of 2002 ang mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

DANILO GARCIA

DRUGS ACT

LEONORA OREIZ

MAGKASAMA

MANILA INTEGRATED JAIL

MAYNILA

PORT AREA

WESTERN POLICE DISTRICT-WOMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with