^

Metro

Doktor tiklo sa abortion

-
Bagsak kalaboso ang isang tiwaling doktor matapos itong masakote ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa aktong nagsasagawa ng ‘abortion’ sa isa nitong pasyente sa loob ng kaniyang klinika sa isinagawang operasyon sa Quezon City.

Kinilala ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt . Arturo Lomibao ang nasakoteng suspect na si Dr. Zosimo Damaso, tubong Pangasinan at residente ng J. Luna St., Susana Heights, Executive Village ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Lomibao na si Damaso ay nasakote bandang alas-9:25 ng umaga sa loob ng klinika nito habang aktong ilalaglag ang sanggol ng isang nagngangalang Sharon Balingit.

Lingid sa kaalaman ng manggagamot ay nakaposte na ang mga operatiba ng PNP-CIDG matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa katiwalian nito.

Nabatid pa na sumisingil ng malaking halaga mula P20,000 pataas ang suspect depende sa bilang ng buwan ng isang sanggol na ipinagbubuntis ng kanyang mga pasyente na nais magpalaglag.

Pinainom umano ng doktor ng apat na Mifiprestone anti-biotic ang kaniyang pasyente, tinurukan ito ng Ceftriaxone sodium at kasalukuyang ipinapasok na ang speculum sa maselang bahagi nito nang dakpin ng mga awtoridad.

Sa isinagawang pagsusuri ng PNP Crime Laboratory experts, nabatid na ang itinurok na gamot kay Balingit ay isang uri ng expired na anti-biotic na may halong diluted water na malakas makapagpalaglag ng fetus.

Nakatakda nang sampahan ng kasong medical malpractice ang nasabing manggagamot na namemeligro ring makansela ang lisensiya. (Ulat ni Joy Cantos)

ARTURO LOMIBAO

CHIEF SUPT

CRIME LABORATORY

DIRECTOR P

DR. ZOSIMO DAMASO

EXECUTIVE VILLAGE

JOY CANTOS

LUNA ST.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with