Campaigner ni GMA todas sa hired killer
January 2, 2004 | 12:00am
Tinodas ng hindi pa nakilalang gunman na pinaniniwalaang hired killer ang isang Brgy. Chairman na nagsisilbing political leader at campaigner ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos itong pagbabarilin sa madugong pagsalubong sa Bagong Taon kahapon ng madaling- araw sa Caloocan City.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital bunga ng tinamong apat na tama ng bala mula sa .45 caliber pistol sa dibdib ang biktimang kinilalang si Rodolfo Pagaran, 49, Brgy. Chairman ng Brgy. 120 na nasa panulukan ng 2nd Avenue at M.H. del Pilar St., ng nabanggit na lungsod.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Michael Viray, may hawak ng kaso, dakong alas-12 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa mismong harapan ng barangay hall na pinaglilingkuran ng biktima.
Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima sa lugar para dalawin ang isa nitong maysakit na kamag-anak nang bigla na lamang pagbabarilin ng nakaabang na gunman.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect sakay ng isang motorsiklo patungong Monumento habang mabilis namang isinugod sa ospital ang biktima subalit huli na ang lahat.
Naghihinala naman ang mga awtoridad na may kinalaman sa naganap na sunog noong nakaraang Lunes sa kanilang barangay ang motibo ng pamamaslang sa biktima na kumitil ng buhay ng apat katao.
Patuloy namang isinasailalim ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kaso upang mabigyan ng hustiya ang pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest