Bagatsing bise ni Atienza sa '04
January 1, 2004 | 12:00am
Pinili ni Manila Mayor Lito Atienza si second-termer Councilor Don Ramon Bagatsing bilang kanyang running mate sa isasagawang mayoralty at vice mayoralty election sa Mayo 2004.
Ayon sa isang source, sinabi nito na inihayag na ng naturang mayor ang Atienza-Bagatsing tandem sa ilang councilors ilang araw na ang nakakalipas sa isinagawang caucus sa Manila City Hall.
Si Atienza ay executive vice-president ng Liberal Party (LP), habang si Bagatsing naman buhat sa citys Fourth District ay chairman ng opposition party Laban ng Demokratikong Pilipino (Laban) Manila chapter.
Binanggit pa ng source na nakatakdang magsumite ng kanilang certificate of candidacies (COCs) sa Commission on Election (Comelec) ang dalawa sa darating na Enero 3, o dalawang araw bago ang itinakdang deadline ng naturang poll body. (Ulat ni Cecile Suerte Felipe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest