Nagkadayaan sa bilyar, lalaki patay
January 1, 2004 | 12:00am
Patay ang isang lalaki na sinasabing hustler sa bilyar matapos na tadtarin ng bala ng mga nakalaban sa sugal, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.
Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Noel Vivas, 40, residente ng #1886 Interior 12 Eleoriga Ext., Sta. Ana.
Pinaghahanap naman ngayon ang mga tumakas na suspect na armado ng kalibre .45 at 9mm pistol. Nakilala ang isa sa mga ito sa alyas na James.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng Shous Billiard and Gym sa naturang lugar.
Nabatid na isang kilalang hustler sa bilyar ang biktima at naghahanap ng makakapustahan kung saan sa unay magkukunwari itong hindi magaling maglaro.
Nakakuha naman ito ng kalaban kung saan nag-umpisa ang laro dakong alas-7 ng gabi.
Matapos ang ilang laro, napagtatalo na ang grupo ng mga suspect nang umpisahan nang galingan ng biktima.
Dito na nagkaroon ng pagtatalo nang sitahin ng mga suspect ang biktima na hustler pala. Nagkaroon ng kaguluhan hanggang sa maglabas ng baril ang dalawa sa mga suspect at pagbabarilin ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest