^

Metro

Kuya tinarakan ng utol na bebot, kritikal

-
Isang lalaki ang sinaksak ng nakababata nitong kapatid na babae makaraang gulpihin ng una ang huli matapos na magtalo dahil sa problema sa pamilya, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati ang biktimang nakilalang si Antonio Alarcon, 47, ng 8559 San Jose St., Barangay Guadalupe Nuevo ng lungsod na ito. Nagtamo ito ng saksak sa katawan buhat sa isang kutsilyo.

Sumuko naman sa pulisya ang suspect na nakilalang si Victoria Alarcon-Lozano, 43, biyuda ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rio Bucalan ng Makati City police naganap ang insidente dakong alas-7:50 ng gabi sa loob ng bahay ng magkapatid sa San Jose St. sa Brgy. Guadalupe.

Binanggit pa sa ulat na nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid hinggil sa problema sa kanilang pamilya. Nagkasagutan umano ang dalawa hanggang tuluyang saktan ni Antonio ang kapatid na babae na nagdilim naman ang paningin at mabilis na kumuha ng kutsilyo at saka sinaksak sa kuya.

Matapos ang ginawang pananaksak agad namang sumuko sa pulisya ang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANTONIO ALARCON

BARANGAY GUADALUPE NUEVO

BINANGGIT

BRGY

GINAGAMOT

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

RIO BUCALAN

SAN JOSE ST.

VICTORIA ALARCON-LOZANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with