^

Metro

Regalong may lamang shabu: 4 arestado

-
Apat na katao, dalawa dito ay babae, ang dinakip ng mga elemento ng Western Police District (WPD) matapos na makuhanan ng isang regalo na naglalaman ng shabu sa isang checkpoint, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Bayani Gonzales, 42; Sergio Lito Rodriguez, 36, FX driver; Evangeline Aquino, 35; at Ma. Zen Lain de Guzman, 37, pawang mga residente ng Diliman St., San Rafael, Bulacan.

Sa ulat ni Sr. Insp. Florencio Ortilla, nasakote ang apat na suspect dakong alas-11:10 ng tanghali sa kahabaan ng Dimasalang Avenue, Sampaloc, Manila.

Pinara ng mga pulis ang isang Tamaraw FX sakay ang apat na suspect. Nang pababain ang apat, nakita ng mga pulis ang isang maliit na regalo na nakalaglag sa ilalim ng upuan ng sasakyan.

Nang inspeksyunin ang regalo, binuksan ito ng mga pulis kung saan nadiskubre ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

Tumanggi naman ang mga suspect na angkinin ang naturang droga. Sinabi ng driver ng taxi na inarkila lamang umano siya habang sinabi naman ng dalawang babae na nakiangkas lamang sila sa naturang FX.

Kasalukuyang nakadetine ngayon sa WPD Integrated Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Anti-Drug Law. (Ulat ni Danilo Garcia)

BAYANI GONZALES

DANILO GARCIA

DILIMAN ST.

DIMASALANG AVENUE

DRUG LAW

EVANGELINE AQUINO

FLORENCIO ORTILLA

INTEGRATED JAIL

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with