3 miyembro ng 'Butas Pader Gang', itinumba
January 1, 2004 | 12:00am
Palaisipan sa mga elemento ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Central Police District Command ang naganap na pananambang sa tatlo kataong kalalaya lamang na umanoy miyembro ng Butas Pader Gang kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ang magkapatid na sina Jaime Joseph, 27, at Julius Almazan, 29, ay namatay noon din sanhi ng tinamong mga tama ng baril sa katawan. Namatay naman habang ginagamot sa Chinese General Hospital si Marcos Dangalan, 25, pawang tubong-Ilocos Sur at Abra Province.
Si Jaime Joseph ay sumundo lamang sa kanyang kapatid na si Julius na nakulong sa La Loma Police Station at siyang nagpiyansa para makapiling ang huli sa selebrasyon ng Bagong Taon.
Napag-alaman kay Supt. Raul Medina. hepe ng CIU-CPD na alas-9:30 ng gabi nang tambangan ng mga di-kilalang lalaki na naka-bonnet, ang mga biktima sa kanto ng Calamba at Isarog Sts., Brgy. Salvacion, Quezon City.
Sa pahayag ni Aling Lydia, ina ng magkapatid na Almazan, matapos nilang piyansahan ang anak na si Julius ay nauna na sila ng anak na si Janet sa Phil. Rabbit terminal upang dito magkita-kita dahil kasama naman ni Julius si Jaime.
Isang oras na umano ang lumipas ay hindi pa dumarating ang kanyang mga anak hanggang sa malaman na may humarang sa sinasakyang FX mega taxi (PWC-940) ng kanyang mga anak at saka pinagbabaril.
Bunsod nito, naghinala ang pulisya na malamang na ka-grupo rin ng mga biktima ang tumambang sa mga ito at tuluyang pinatahimik upang hindi na makapagturo ng kanilang mga kasamahan.
Magugunitang naaresto kamakailan sina Julius at Dangalan kasama sina Joel Padayan, 27; at Romeo Batayan ng La Loma Police makaraang mahuling binubutas ang pader ng kanilang nirerentahang bahay tagos sa Tambunting Pawnshop sa #270 Hernani St., Retiro, La Loma.
Gayunpaman, ang kasong ito ay patuloy na sinisiyasat ng pulisya.(Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended