^

Metro

Kasong pagkamatay ni Miko Sotto, sarado na

-
Sarado na ang kasong pagkamatay ng aktor na si Miko Sotto na nahulog mula sa ika-siyam na palapag ng tinitirhan nitong condominium unit sa Mandaluyong City noong Lunes ng madaling-araw.

Ito ang idineklara kahapon ng Mandaluyong Police kasabay nang pagsasabing hindi na kailangan pang imbitahan para makunan ng pahayag ang pinsan nitong si Oyo Boy Sotto at kaibigang si Marco Medina na kapwa kasama ni Miko ng mahulog ito sa veranda ng kanyang condo.

Ayon kay Supt. Ericson Velasquez na matibay ang kanilang mga ebidensiya na isang aksidente ang pagkamatay ng aktor.

Binanggit ng pulisya ang pahayag ng testigong security guard na nagsabing nakita niya ang magpinsang Sotto na kapwa nakaupo sa magkabilang dulo ng veranda ng ito ay kanyang sawayin.

Nawalan ng balanse si Miko na naging dahilan ng kanyang paglagapak.

Sinabi pa ni Velasquez na wala ni isa na buhat sa pamilya Sotto ang nakipagkoordina sa kanila matapos ang aksidente.

Sa isyu naman na baka nakainom ang aktor kung kaya ito nahulog nilinaw ni Velasquez na wala silang narekober na anumang tanda na nag-inuman ang mga ito dahil walang nakitang anumang nakalalasing na inumin sa crime scene.

Ang labi ni Miko ay kasalukuyang nakaburol ngayon sa Santuario de San Antonio sa Makati City. (Ulat ni Edwin Balasa)

EDWIN BALASA

ERICSON VELASQUEZ

MAKATI CITY

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG POLICE

MARCO MEDINA

MIKO

MIKO SOTTO

OYO BOY SOTTO

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with