Preso pinatay sa bugbog ng kapwa bilanggo
December 30, 2003 | 12:00am
Patay na nang idating sa Quezon Memorial Medical Center ang isang 33-anyos na bilanggo makaraang pagtulungan siyang bugbugin ng kapwa niya preso sa loob ng kulungan sa Station 8 ng Quezon City police, kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.
Nakilala ang nasawi na si Arnold Pavilan, tubong San Pablo City at residente ng #24 Acacia St., New Manila, Quezon City.
Ayon sa ulat, si Pavilan ay itinurn-over sa pulisya ni Odenil Decendario, security guard sa Robinsons Galleria dahil sa kasong bukas kotse.
Habang nakadetine sa CPD Station 8 ay nagwala ito at nangursunada ng kapwa niya preso. Naghamon din ito ng suntukan sa mga bilanggo.
Dahil dito, nagalit ang mga dinatnan niyang preso sa kulungan kung kaya pinagtulung-tulungan siyang bugbugin.
Naawat naman ang mga ito, subalit ganap na ala-1 ng madaling-araw nang dumaing si Pavilan na masakit ang kanyang katawan kung kaya isinugod siya sa pagamutan subalit hindi na ito umabot pang buhay dahil sa tinamong multiple hematoma.
Patuloy pa ring sinisiyasat ang naturang kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am