^

Metro

Drayber ipinakulong ng amo

-
Ipinakulong ng isang executive producer ng isang malaking istasyon ng telebisyon ang kanyang personal driver makaraang ipatalo ng huli sa sugal ang perang ipinagkatiwala sa kanya ng una, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Mae Santos Navarro, 44-anyos, executive producer ng ABS-CBN at residente ng #127 Taurus St., Cinco Hermanos Subd., Brgy. TVO ng nabanggit na lunggsod upang ipaaresto ang suspect na si Michael Hullego, 33.

Batay sa ulat ng pulisya, binigyan ng biktima ang suspect ng P12,000 upang ipambayad sa ipina-repair nitong sasakyan, subalit lumipas ang gabi ay hindi pa bumabalik ang huli kung kaya’t pinuntahan niya ito sa bahay at dito ay napag-alaman na ipinatalo ng suspect ang kanyang pera sa sugal na ‘color games’ sa peryahan.

Dahil dito ay agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima at ipinaaresto ang suspect.(Ulat ni Edwin Balasa)

BATAY

BRGY

CINCO HERMANOS SUBD

DAHIL

EDWIN BALASA

IPINAKULONG

MAE SANTOS NAVARRO

MARIKINA CITY

MICHAEL HULLEGO

TAURUS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with