'Mary Ong' hinoldap ng tatlong armado
December 28, 2003 | 12:00am
Isang Fil-Chinese trader na kapangalan ni Mary Ong ang hinoldap ng tatlong armadong kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Samantala, isang binatang bystander ang nasugatan sa holdap makaraang paputukan ng mga suspect ang gulong ng sasakyan ng biktima.
Si Ong, negosyante at residente ng #8 Camia St., Happy Subdivision, Valenzuela City ay hindi naman nasugatan sa insidente. Gayunman, kinulimbat ng mga suspect ang kanyang cash, gold ring, ATM card at mahahalagang dokumento.
Nadamay sa naganap na holdap ang bystander na si Bernard Bracero sanhi ng tinamo nitong tama ng bala sa katawan.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa parking lot ng Petron gasoline station sa panulukan ng Harrison at Cuneta Avenue sa nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na nakahinto dito ang sasakyan ni Ong na isang Mitsubishi L-300 na kulay puti nang lapitan ng mga suspect at agad na tinutukan ng baril.
Isa sa mga suspect ang sapilitang humablot sa bag ng biktima na nandoon ang mahahalagang gamit at alahas at pera ng biktima.
Bago magsitakas ay binaril pa ng mga suspect ang kanang gulong ng sasakyan ng biktima na tumalbog sa semento at tumama naman sa dumadaan na si Bracero.
Tuluyang tumakas ang mga suspect at sumakay sa isang nakahimpil na motorsiklo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended