^

Metro

Tinuksong malamig ang 'Bagong Taon' namaril

-
Dahil sa panunukso na iniwan ng kanyang asawa, binaril ng isang lalaki hanggang sa mapatay ang kanyang kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Paco, Maynila.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Enrico Arcilla, 37, hiwalay sa asawa at driver ng #1498 2nd St., Fabie Subd. ng nasabing lugar, matapos nitong mapatay ang biktima na si Bernardo Hernandez.

Sa imbestigasyon ni Det. Danilo Vidad, naganap ang pamamaril dakong alas-10 ng gabi sa loob ng isang construction site sa #1498 2nd St, Fabie Subd., naturang lugar.

Bago naganap ang insidente, masayang nag-iinuman ang biktima at ilang kaibigan sa bahay ng suspect.

Sa kalagitnaan ng inuman ay napunta ang usapan sa kanilang mga asawa kung saan nagbiro umano ang biktima na malamig ang Bagong Taon ng suspect dahil sa hiwalay ito sa asawa.

Sa kabila nito, hindi naman nagpahalatang galit ang suspect hanggang sa matapos ang inuman ay umuwi ang biktima kung saan stay-in ito sa construction site at dumiretsong natulog sa ikalawang palapag ng ginagawang building.

Ilang sandali lang ay sinundan ng suspect ang biktima at pinuntahan kung saan ito natutulog at walang sabi-sabing binaril ito na nagresulta sa agarang kamatayan.

Sa kanyang pagtakas ay puwersahan nitong inutusan ang kanyang tiyuhin na nakilalang si Luisito Arcilla na imaneho ito patungong Magallanes sa Makati.

Inaalam din ng awtoridad kung sino ang nagmamay-ari ng baril na ginamit ng suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

BAGONG TAON

BERNARDO HERNANDEZ

DAHIL

DANILO VIDAD

ENRICO ARCILLA

FABIE SUBD

GEMMA AMARGO

ILANG

INAALAM

LUISITO ARCILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with