^

Metro

Number coding suspendido sa Miyerkules

-
Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa darating na Miyerkules (Disyembre 31) matapos itong ideklara na special non-working holiday bukod pa sa Enero 1 at 2 dahil na rin sa inaasahang muling dadagsa ang publiko sa mga pamilihan, lansangan at transport terminals pauwi sa kani-kanilang lalawigan.

Naniniwala si MMDA Chairman Bayani Fernando na dahil regular working days ang Disyembre 29 at 30 ay tiyak umanong maghahabol ang mga mamamayan sa paghahanda sa bisperas ng Bagong Taon.

Gayunman, nagbigay ng katiyakan ang MMDA na popostehan ang sidewalk para may maraanan ang tao sa pagdagsa ng mga ito sa lansangan.

Siniguro din ng kanilang Traffic Operation Center na bukas sa loob ng 24-oras ang MMDA-Metro base para mamonitor ang trapiko. Buong puwersa umano ng traffic enforcers ang nakatalaga sa strategic point ng Metro Manila para magmanman sa trapiko at tumulong sa mga miyembro ng PNP sa pagbibigay proteksyon sa publiko.

Maging ang mga metro aides ay inalerto na rin ni Fernando para maagap na malinis ang mga lansangan dahil sa inaasahan na pagbaha ng basura at kalat pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BAGONG TAON

BUONG

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DISYEMBRE

ENERO

FERNANDO

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TRAFFIC OPERATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with