Chinese dinukot ng mga pulis
December 27, 2003 | 12:00am
Masusing iniimbestigahan ngayon ng Muntinlupa City Police ang umanoy pagdukot sa isang anim na buwang buntis na Chinese ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng WPD, kahapon ng umaga sa loob ng compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa nabanggit na lungsod.
Nakilala ang dinukot na ginang na si Yang Jen Ping, 29, ng Estrera Compound, Magdaong Drive, NBP Compound, Barangay Poblacion ng lungsod na ito.
Samantala, hindi pa batid ng pulisya ang pangalan ng armadong kalalakihan na dumukot sa ginang pero may mga ulat na ang mga ito ay miyembro ng WPD.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga sa kahabaan ng Magdaong Drive NBP Compound, Barangay Poblacion.
Nabatid na dadalaw ang biktima sa kanyang asawa na nakakulong sa nabanggit na pambansang bilangguan. Sakay ito sa isang tricycle nang biglang harangin ng isang Honda CRV na may plakang WGY-119 na sakay ang anim na armadong kalalakihan at saka puwersahang kinuha ito.
Iniimbestigahan ngayon ng Southern Police District Office kung dinukot ba o inaresto ang biktima.
Bagamat may impormasyon ang Muntinlupa police na may operasyon umano ang WPD sa lugar wala naman umanong ginawang pakikipagkoordinasyon ang mga ito sa kanila.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest