^

Metro

Bumati ng Merry Xmas tinodas ng kaibigan

-
Isang malalim na saksak sa dibdib na naging dahilan ng kanyang kamatayan ang natamo ng isang pedicab driver sa kanyang dating kaibigan na binati pa niya ng "Merry X-mas", kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Maynila.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Ospital ng Maynila ang biktimang nakilalang si Berto Condo, 25, tubong Ormoc, Leyte at residente ng PNR Compound, Perlita St., San Andres Bukid.

Pinaghahanap naman ngayon ang nakalalayang suspect na si Ismael Portillo, alyas Baby, 30, tubong Burawi, Leyte at kasamahan ng biktima na rumerenta sa naturang bahay.

Sa ulat ng WPD Homicide Division, naganap ang insidente eksakto alas-12 ng hatinggabi pagsapit ng Pasko sa loob mismo ng bahay ng dalawa.

Napag-alaman na bago ang naganap na krimen naglaro pa ng tong-its ang biktima at suspect kasama ang ilang kapitbahay.

Hapon pa lamang ay nagkaroon na ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa pinaghinalaan ng suspect na nandadaya ang biktima, gayunman napayapa sila ng kanilang mga kalaro.

Pagsapit nga ng hatinggabi ay hindi pa pala na aalis ang ngitngit ng suspect kung kaya nang batiin siya ng "Merry X-mas" ng biktima ay agad niya itong inundayan ng saksak sa dibdib na naging dahilan ng kamatayan ng huli.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

BERTO CONDO

BURAWI

DANILO GARCIA

HOMICIDE DIVISION

ISMAEL PORTILLO

LEYTE

MAYNILA

MERRY X

PERLITA ST.

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with