Dahil dito, binalaan ng PNP ang publiko hinggil sa ilegal na aktibidad ng nasabing mga bogus na media outfit na kinakasangkapan pa ang hanay ng pulisya.
Inihalimbawa ni Senior Supt. Leopoldo Bataoil, chief ng PNP-Police Community Relations Group ang pagkaaresto kamakalawa kay Joel Novelero, nagpakilalang miyembro ng Police Hotline Network Inc. sa isinagawang entrapment operation sa Baesa, Quezon City.
Si Novelero ay dinakip ng mga awtoridad sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa isang kinatawan ng Nito Seiki Manufacturing Corporation na nag-report sa PNP ng pangingikil nito sa kanilang establisimento na umanoy may go signal pa ni PNP Chief Director Hermogenes Ebdane Jr.
Nabatid na ang modus operandi ng grupo ay puwersahin ang mga negosyante na magpa-advertise sa kanilang diyaryo o kaya naman ay bumili ng mamahaling tiket sa mga di-totoong dinner shows kaakibat ng pangakong exempted ang mga ito sa color-coding scheme.
Ayon kay Bataoil ang nasabing grupo ay pinamumunuan ng isang Director Ely Quinola na may tanggapan sa No. 502 EDSA corner Boni Serrano Road, Quezon City.
Binanggit pa ni Bataoil na ang naturang grupo ay hindi konektado sa PNP at ang anumang transaksyon na maaaring isagawa ng mga ito ay walang kinalaman ang pamunuan ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)