^

Metro

Bogus media organizations binira ng PNP

-
Mistulang mga kabuti umanong nagsulputan ang mga bogus na media organizations na ginagamit pa ang pangalan ng PNP para makapangikil ng malaking halaga ng salapi sa ilang negosyante partikular na sa Metro Manila ngayong kapaskuhan.

Dahil dito, binalaan ng PNP ang publiko hinggil sa ilegal na aktibidad ng nasabing mga bogus na media outfit na kinakasangkapan pa ang hanay ng pulisya.

Inihalimbawa ni Senior Supt. Leopoldo Bataoil, chief ng PNP-Police Community Relations Group ang pagkaaresto kamakalawa kay Joel Novelero, nagpakilalang miyembro ng Police Hotline Network Inc. sa isinagawang entrapment operation sa Baesa, Quezon City.

Si Novelero ay dinakip ng mga awtoridad sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa isang kinatawan ng Nito Seiki Manufacturing Corporation na nag-report sa PNP ng pangingikil nito sa kanilang establisimento na umano’y may ‘go signal’ pa ni PNP Chief Director Hermogenes Ebdane Jr.

Nabatid na ang modus operandi ng grupo ay puwersahin ang mga negosyante na magpa-advertise sa kanilang diyaryo o kaya naman ay bumili ng mamahaling tiket sa mga di-totoong dinner shows kaakibat ng pangakong exempted ang mga ito sa color-coding scheme.

Ayon kay Bataoil ang nasabing grupo ay pinamumunuan ng isang Director Ely Quinola na may tanggapan sa No. 502 EDSA corner Boni Serrano Road, Quezon City.

Binanggit pa ni Bataoil na ang naturang grupo ay hindi konektado sa PNP at ang anumang transaksyon na maaaring isagawa ng mga ito ay walang kinalaman ang pamunuan ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAOIL

BONI SERRANO ROAD

CHIEF DIRECTOR HERMOGENES EBDANE JR.

DIRECTOR ELY QUINOLA

JOEL NOVELERO

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with