^

Metro

2 estudyante hinoldap sa QC

-
Malungkot ang Pasko ng dalawang estudyante makaraang holdapin ng dalawang di pa nakikilalang holdaper kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Lupaypay pa nang magtungo sa himpilan ng Central Police District (CPD) Station 2 ang dalawang biktima na sina Albert Barangko, 17, ng Iligan St., San Francisco del Monte at Michael Vincent, 17, upang ireport ang ginawang panghoholdap sa kanila.

Ayon sa pahayag ng mga biktima, dakong alas-9 ng gabi habang sila ay naglalakad sa kahabaan ng Dangay St., Veterans Village, QC nang biglang sumulpot ang dalawang suspect na armado ng patalim at sabay pahayag ng holdap.

Dinala ang mga biktima sa isang madilim na lugar at kinuha ang mga cellphone, wallet at mahalagang kagamitan.

Nang makuha ang pakay ng mga suspect sa mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga ito sa hindi mabatid na direksyon.

Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang madakip at makilala ang mga salarin. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALBERT BARANGKO

ANGIE

CENTRAL POLICE DISTRICT

DANGAY ST.

ILIGAN ST.

MICHAEL VINCENT

QUEZON CITY

SAN FRANCISCO

VETERANS VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with